Nakaamba ang posibleng pagtigil sa pagtatanim ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon sa Mayo dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagtatanim dulot na rin ng patuloy na giyera ng Ukraine at Russia.

Idinahilan ng Pambansang Mannalon, Maguuma, Magbabaul Magsasaka ng Pilipinas (P4MP), 40 porsyento ng miyembro nilang magsasaka sa Nueva Ecija at Pangasinan ang nagpahayag ng paghinto muna ng pagtatanim dahil sa usapin.

Ikinatwiran ng grupo, tumaas nang husto ang presyo ng pataba, pasahod sa manggagawa, at produktong petrolyo

"Ang kinatatakutan namin, baka kapag nakatanim na kami, wala nang ulan. So gagamit ka ng water pump. Bibili ka ng fuel. Krudo na ang gagamitin mo sa patubig," sabi ni P4MP President Oftociano Manalo.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kaugnay nito, umaapela rin ang grupo na mabigyan sila ng fuel subsidy, bukod sa mga mangingisda at corn farmers, dahil pare-pareho naman silang apektado ng mga oil price hike.

Kamakailan, inihayag ng Department of Agriculture (DA) na may hiwalay ang programa para sa rice farmers kung saan mabibigyan sila ng ₱5,000 ayuda.

Nauna nang inihayag ng Department of Agriculture na kaya tumaas ang presyo ng fertilizer dahil ang produksyon nito ay apektado ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia