Game na game makipagsagutan sa social media ang Kapuso actor na si Paolo Contis, na tumutulong sa pangangampanya sa party-list na 'AKO BICOL' sa pamamagitan ng pagpo-post nito sa Facebook.

Marami kasi ang nagtatanong, nagpapatutsada, at nang-uurirat sa kaniya tungkol sa 'rumored girlfriend' na si Yen Santos. Kamakailan lamang ay muli na naman silang pinag-usapan dahil naispatan umano silang 'HHWW' o holding hands while walking sa isang mall, bagay na hindi naman nila kinumpirma.

"Dapat sinamahan ka ni Yen S. as a friend gaya noong nag-Baguio kayo," urirat ng isang netizen.

Cool na sagot ni Paolo, "Sige next time!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isang netizen pa ang nagsabi, "Bakit di mo sa Bicol dinala? Asking for a friend lang po!"

"Next time!" sey naman ni Paolo.

Tanong pa ng isa, "Taga Bicol ba si Yen S.?"

"Hindi eh… ako ang taga Bicol," sagot niya.

May ilan din namang nagtanggol kay Paolo.

"Lahat naman tayo manloloko wag mag malinis masyado n'yo namang pinepersonal yung tao!"

"Sa'yo ang boto ko idol kita mula bata pa ako, lalo noong napanood ko yung Tabing-Ilog… sure ka na sa balota ka!!! idol…God bless you."

"SALUTE TO THIS MAN KAHIT SA DAMI NG ISSUE ITO PA RIN NAKA-SMILE.LANG at tuloy pa rin ang pagpapasaya sa madla."

Nagpasalamat naman si Paolo sa mga nagtanggol sa kaniya.

Matatandaang noong 2021 ay lumutang ang isyu kina Paolo at Yen nang mapabalita ang paghihiwalay nina Paolo at longtime partner na si LJ Reyes.

Namataan kasi ang magkatambal sa pelikulang 'A Faraway Land' na namamasyal sa Baguio City, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan. Agad na pinaratangan si Yen na siyang 'third party' raw, bagay na pinabulaanan naman ni Paolo. Dito na nauso ang linyang 'as a friend' na ikinakapit sa kanilang dalawa dahil magkaibigan lamang daw sila ni Yen.