Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matatapos na ang rehabilitasyon ng Boracay Island sa Hunyo 30.

“If not for the COVID-19 pandemic, the rehabilitation programs would have already been completed.  But we’re almost there,” paglilinaw ni Martin Jose Despi, general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG).

“Based on laboratory works, the safety level of the water at the front beach has greatly improved,” aniya.

Kamakailan, nagsagawa ng tatlong araw na pagpupulong ang BIARMG upang talakayin ang hindi pa natatapos na proyekto sa isla sa Malay, Aklan.

SP Chiz, nanindigang walang isinukong soberanya ang bansa sa pagkaaresto kay FPRRD

Kabilang sa hindi pa natatapos na trabaho ay ang pagpapaalis sa mga umano'y iskuwater sa kagubatan ng isla at sa  baybaying-dagat.

“We are prioritizing the removal of commercial structures and not the residential structures due to human considerations,” pahayag pa ni Despi.

Tara Yap