Dasal ang hiling ni Wowowin host Willie Revillame sa publiko matapos niyang ibahagi na may kinatatakutan siya ngayon hinggil sa kaniyang kalusugan, sa YouTube channel ng Wowowin noong Marso 24, 2022.

Paglalahad ni Willie, matagal na siyang sumasailalim sa executive check-up subalit nahinto nang magkapandemya.

"Ngayong Lunes ko malalaman kung positive ako sa cancer or not. Medyo nagulat ako. Two years ako hindi nagpa executive checkup because of the pandemic. Noong 2019, may mga nakita ng polyps pero benign naman po. Pero itong ngayon, medyo kinakabahan ako,” sey ni Willie.

Matagal na umanong nakikitaan ng polyps si Willie sa colon at ang isa naman ay sa stomach.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kung wala raw si Willie sa Lunes, Marso 28, nangangahulugang naka-confine na ang game show host. Kapag ganoon daw, kailangan niyang magpahinga sa loob ng isang buwan.

"Kung wala ako sa Lunes, ibig sabihin na-confined na po ako. Pero huwag naman sana."

“Basta magla-live ako kung nasaan man ako sa lunes, kung nasa hospital man ako. Gusto ko malaman ninyo yung tutoo so bakit naman ako magsisinungaling? Lahat ng sinabi ko sa inyo totoo. Anyway, sana ipagdasal ninyo ako na sana hindi cancerous yung nakita sa aking polyps.”

Umani naman ito ng iba't ibang mensahe mula sa mga netizen.

"Prayers for your good health, Kuya Will. I know God will listen for all your prayers kasi isa kang mabuting tao at matulungin sa kapwa. God Bless you always and get well soon. Mahal na mahal ka po namin. Mag-iingat ka po palagi."

"Praying for your fast recovery Kuya Wil. God is good. So don't lose hope. You have a beautiful heart for every Filipino person, especially the needy. So stay strong. God bless you po."

"Magpagaling po kayo sana panatilihing masigla at malakas ka pa Kuya Wil, lagi ka nami pagdadasal, stay safe po and be strong!"

Si Willie ay 61 anyos na.