Itinanghal na 'Most Remarkable Talk Show Host of the Year' ng Pilipinas si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa ginanap na 5th Asia Pacific Luminare Awards noong Marso 23, sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City, sa kabila ng mga kontrobersyang kinahaharap ng actress-TV host dahil sa usaping politikal.
Ang pagkapanalo niya ay para sa kaniyang talk show vlog na 'Toni Talks'.
"Congratulations, Toni Gonzaga —Philippines' Most Remarkable Talk Show Host of the Year at the 5th Asia Pacific Luminare Awards! Your Toni Talks team is so proud of you!" saad sa caption na makikita sa kaniyang Facebook page na 'Toni Gonzaga Studio'.
Sa kaniyang Instagram post naman, makikita ang litrato ng kaniyang natanggap na tropeo.
"Maraming Salamat Asia Pacific Luminare!" saad niya sa caption.
Kapansin-pansin naman na ang bumati sa kaniyang celebrity ay ang kapwa Kapamilya star at UniTeam supporter na si Momshie Karla Estrada. Nagpaabot ito ng 'Congrats!'
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
"Congrats Ms. Toni! Habang yung iba di magkandaugaga ng bash sa'yo, ikaw ito nagkaka-award pa. God bless you more!"
"Hindi bumababa ng level si Toni sa mga bitter na mga tao… hahay!! Bakit kasi hindi matutong rumespeto ang iba sa political views ng iba."
"Congratulations, Toni! We are always so proud of you."
"Congrats Toni G! Blessed talaga ang mga taong walang galit sa puso at hindi naninira ng kapwa."
"Patunay na kung sino ang ibinababa siyang itinataas. Congratulations Ms. Toni G! Keep on shining! We love you!"
"Dasaaaaaarv! Congrats Ms. Toni."