Makararanas ng malakas na pag-ulan ang Palawan, ilang bahagi ng Central Visayas at Mindanao bunsod na rin ng umiiral na low pressure area (LPA).

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong60 kilometro silangan-hilagang silangan ng Davao City.

Gayunman, nilinaw ng PAGASA na malabong mabuo bilang bagyo ang LPA.

Bukod dito, maaapektuhan din ng kalat-kalat at malakas na pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng flash flood at landslide sa mga natukoy na lugar.