Ipinagtanggol ng direktor ng 'Kape Chronicles', 'The Exorcism of Lenlen Rose', at 'Baby M' ng VinCentiments na si Darryl Yap ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia, Grand Winner ng 'Miss Q&A' ng It's Showtime, sa sinasabing posibleng 'legal consequences' na maaaring harapin nito matapos umanong gamitin sa 'negative campaigning' ang isang brand ng sabong panlaba.

Ibinahagi kasi ni Juliana sa kaniyang opisyal na Facebook account ang isang meme patungkol sa paglitaw ng dilaw na kulay sa pink na laso na naka-pin sa kaliwang bahagi ng dibdib ng asul na damit, na hindi ipinakita ang mukha, subalit ayon sa mga netizen, ay obvious daw na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo. May caption itong 'Gulat ka noh?'

Isang Twitter user naman ang nagbahagi nito na may caption na "Is P&G and Tide Philippines allowing their brand ti be used for negative campaigning?"

May sumagot naman na "Not yet po. But thanks for raising. I think (the) legal team and brands will be the one to handle this."

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Screengrab mula sa FB/Juliana Parizcova Segovia

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizen, na makikita sa comment section ng Facebook page na 'Kapamilya Online World'.

"Hahahahahahaha data privacy act kapang nalalaman sa mga eksena ha ikaw ang makakasuhan ngayon."

"Ang galing ni Tide talaga!!!! Hindi lang kaputian nilalabas pati tunay na kulay nilalabas din. Kaya Tide ako eh!"

"It's about time to teach people to stop hate campaigning and to be responsible for their deeds."

"Only shows how useful and effective 'Tide' is in revealing the hidden and true colors of a garment by removing the cover ups or stains."

"This is just trademark infringement. you can't use the brand and name of a company without permission. especially if it's used in political messaging."

"This is a democratic country… dami n'yong arte!"

Ibinahagi naman ito ng direktor at ipinagtanggol si Juliana.

"Hindi ko masyadong gets itong bagong ipinaglalaban ng mga pinks este yellow este pink. Ito naman talaga ang tema ng patalastas ng Tide, ganito naman ang kanilang commercial, pinalilinaw ng Tide ang madadaanang bahagi ng picture—ganon din naman ang tagline na 'gulat ka noh?'" aniya.

"Leni Supporters, may masama bang pakahulugan ang post ni Juliana? Ibig bang sabihin nito NEGATIVE ANG YELLOW? INAAMIN N'YO NA BA NA MASAMA/PANGIT/ ISANG URI NG KARUMAL-DUMAL NA INSULTO ANG PARTIDO NA PINANGGALINGAN NG MGA KANDIDATO NYO?"

"Kabawasan ba o panlalait ba para sa inyo ito? Gayong isang pari mismo at si Miss Kris Aquino ang nagsabi sa katatapos na Tarlac Rally nyo na 'Yellow' ang 'Pink'. Kayo talaga… hahaha!"

"Ok, next kababawan na tayo…"

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kompanya ng brand sa naturang isyu, bagama't marami sa mga netizen ang i-tinag na ito sa official Facebook page ng brand.