Tila napagod na raw ang komedyante at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Brenda Mage sa kakapaliwanag sa mga 'online marites' kung bakit bumalik na siya sa kaniyang probinsya at pansamantalang iiwanan muna ang showbiz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/brenda-mage-babu-na-raw-muna-sa-showbiz-sa-probinsya-muna-eeksena/">https://balita.net.ph/2022/03/21/brenda-mage-babu-na-raw-muna-sa-showbiz-sa-probinsya-muna-eeksena/

May mga nang-iintriga kasi sa kaniya na dahil daw sa mga kanegahang ipinakita niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay na-lotlot na siya sa mga proyekto, at mas naungusan pa ng sikat na online seller at kapwa celebrity housemate na si Daisy 'Madam Inutz' Lopez, na kabilang sa cast member ng sweetcom na 'My Papa Pi'.

"BAHALA KAYO JAN……. Basta ako masaya ako sana kayo din hahahaha," caption ni Brenda sa isa niyang Facebook post habang nasa loob ng eroplano pabalik sa Cagayan De Oro.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung puwede nga lamang daw na i-post ang mga proyektong tinanggihan niya sa ABS-CBN at iba pang offer mula sa ibang network ay gagawin niya.

"Sa lahat ng nagsasabi na kaya ako umuwi ng probinsya kasi nga wala na daw ako project kaka-chismosa ko at Marites ko sa PBB, kung puwede lang i-post yung mga screenshot ng mga tinanggihan kong mga project and guesting, ayoko na lang makialam."

"Kahit na may mga offer sa iba’t ibang istasyon, hindi naman ako nagmamalaki na tinanggihan ko pero dahil madaming nagsasabi na wala daw akong project after ng PBB… kung alam n'yo lang. Ayoko na talaga ng lock-in," sey pa ni Brenda.

Idinadaan na lamang niya sa biro ang mga pangungutya ng mga netizen.

"Buntis po talaga ako… kaya need ko manganak muna hahhahaha… Sikat yarn! Marites n'yo pagod na hahahaha. Natawa ako sa mga comment galit na galit sa pagka-backstabber ko daw sa PBB at pagka MARITES…GUSTO KO LANG NAMAN MAGPAHINGA NA SA SHOWBIZ AT TUPARIN ANG PANGARAP KONG BAHAY."

Ibinibida naman niya sa kaniyang social media platforms ang ipinapatayo nga niyang balur.

"CONSTRUCT YOUR DREAM," caption niya sa isang Instagram post habang naka-pose sa itinatayong bahay.

Screengrab mula sa IG/Brenda Mage

Pinabulaanan din niya ang balitang lumabas na tegi na siya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/25/ex-pbb-housemate-brenda-mage-napabalitang-tegi-na-komedyante-naloka/">https://balita.net.ph/2022/03/25/ex-pbb-housemate-brenda-mage-napabalitang-tegi-na-komedyante-naloka/