Matapos ang big announcement na magiging isang ganap na ina na siya, may tweet naman para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban ngayong Linggo ng umaga, Marso 27.

Tila nagbabalak nang magkaroon ng vlog si Angge kaya nagtanong siya sa mga netizen kung anong puwedeng mai-content niya tungkol sa bagong journey ng buhay niya ngayon.

"Soooo, iniisip ko mag-start ng vlog, kung sakali, ano ang mga tanong/gusto n'yo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon? Hangga't kaya sagutin, subukan namin sagutin yarn (emoji) game?" aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Game naman na nagtanong at nagbigay ng mungkahi ang ilan sa mga netizen. May nagtanong kung gaano 'kalaki' ang notabels sa naibahagi niyang 'Tinder date' experience sa podcast ng kaibigang direktor na si Antoinette Jadaone.

"Gaano kalaki mamsh yung 'malaki' na binanggit mo dun sa podcast nila direk@tonetjadaone???? Hahaha," saad ng netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/angelica-windang-sa-ka-tinder-date-abroad-natakot-sa-nakitang-malaki/">https://balita.net.ph/2021/12/16/angelica-windang-sa-ka-tinder-date-abroad-natakot-sa-nakitang-malaki/

Sey naman ng isa, "Your journey from heartbreak to finding yourself and your true love. I want to hear how you found yourself and how you loved yourself after all the heartbreaks. And how it leads to you having happiness and peace now. Happy for you, Ms Angge!"

May mga tanong din kung papayagan din ba niyang pasukin ng anak ang mundo ng showbiz.

"Just in case na nakapanood na ng movies yung anak mo, anong film mo ang una mong ipapanood sa kanya?"

"Will you allow your child to join showbiz in the future? Just interested to know. Hope you can answer this in one of your vlogs. God bless!"

Pero may mga nagmungkahi rin na chill na lang muna siya at baka makaapekto pa sa kaniyang ipinagbubuntis ang stress.

"Patapusin mo muna mhie ang elections, agit mga tao ngayon. Double time ang trolls. Tc always."

"Wag muna beb siguro video-video ka lang release mo na lang after mo manganak mapano ka pa, daming toxic."

"Madam, kung gagawin mo yan… chill topics and feel good para di nakaka-stress nang bongga! Pag binuo mo 'yan, I shall follow you to the moon and back, beks!"

Samantala, mukhang kinabahan naman si Angge sa tanong sa kaniya na "Magiging full-time mother at wife ka na lang po ba, may balak pa rin po ba kayong bumalik sa showbiz?"

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Matatandaang inanunsyo na ni Angge noong 2021 na magreretiro na siya sa paggawa ng mga teleserye matapos ang 'Walang Hanggang Paalam', bagama't hindi naman siya humihindi sa mga digital series gaya ng 'The Kangks Show' at 'The Goodbye Girl'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/11/the-kangks-show-ni-angelica-panganiban-nangunguna-sa-wetv-ph-5-sa-wetv-us/">https://balita.net.ph/2022/01/11/the-kangks-show-ni-angelica-panganiban-nangunguna-sa-wetv-ph-5-sa-wetv-us/

Siya sana ang leading lady ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa sweetcom na 'My Papa Pi' pero nabunyag nga na dahil sa kaniyang pagbubuntis, out na siya roon, at ang pumalit sa kaniya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na nagbabalik-eksena sa showbiz. Sa katunayan, isa siya sa mga magiging host ng Miss Universe Philippines 2022 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/">https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

Anyway, wala pang pahayag si Angge sa 'nakakakabang' tanong sa kaniya ng netizen, kung anong plano niya pagkatapos manganak sa unang supling nila ni Gregg Homan.