Hindi napigilang pasinungalinan ng kilalang online personality at impersonator ni Kris Aquino na si Tita Krissy Achino ang umano’y nakukuhang bayad sa pagsama niya sa Leni-Kiko rally kamakailan.

Sa isang komento ng netizen sa kanyang isang Facebook post kamakailan, pinabulaanan ni Tita Krissy ang chika kaugnay ng raket niya umano sa rally ng political tandem nina Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan para ipanghulog sa kanyang sasakyan.

Matatandaang isa sa mga hosts si Tita Krissy sa rally ng political tandem sa Isabela noong Marso 12.

“Hays, alam kong need mo lang ng panghulog sa kotse mo kaya mo to nagagawa. I love you Aling Cely. Matatapos din ‘tong election,” saad ng isang netizen.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Agad namang tumalak si Tita Krissy at pinasinungalingan ito.

Screengrab mula Facebook

“FYI, I have paid for the downpayment of my car from my own savings. And yung 2/3 years ng loan ko, bayad na rin because nakapagtabi ako. I would get something na hindi ko kayang bayaran. At lahat ‘yun ay pinag-ipunan at pinagtrabahuan,” tugon ni Tita Krissy.

Dagdag niya, “I’m not doing this--out, being vocal with my political stand, campaigning and supporting my chosen candidate—because may nakukuha akong pera o anumang kapalit.

Certified Kakampink nga ang online personality at kamakailan ay naantig pa sa aniya’y “powerful” na paglabas ng idolong si Kris Aquino sa Tarlac sortie ng tandem sa kabila ng karamdaman nito.

“Ms. Kris Aquino showed up in the most difficult times. She took the stage to campaign for Leni-Kiko & TRoPang Angat. What a powerful and influential gesture!!!” mababasa sa isang shared Facebook post ni Tita Krissy.

Larawan ni Raymund Antonio/Manila Bulletin