How true na ang mag-friends na sina Paolo Contis at Yen Santos ang namataang ‘HHWW' o holding hands while walking sa isang mall?

Makikita sa video na ibinahagi sa Facebook page na 'Millenials DRIFT' na ang babae umanong nakasuot ng puting face mask, puting sumbrero, at puting damit ay si Yen at ang kasama niya umanong lalaki ay si Paolo, na may suot ding puting mask. Tila may kasama silang isang babae na nakasuot naman ng pink na pang-itaas at medyo green naman sa pang-ibaba. Ibinahagi naman ito sa 'Fashion Pulis'.

Hindi naman malinaw kung ito ba ay ngayong Marso 2022 o matagal nang kuhang video.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa FB/Millenials DRIFT

Hinihinalang sina Yen Santos at Paolo Contis (Screengrab mula sa FB/Millenials DRIFT)

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Iba rin talaga tong dalawa na ito hahaha."

"Hayaan nyo na silang magka-lovelife. Wala na ngang career, aalisan pa ba natin ng karapatang lumigaya as a friend? Choz!"

"Hiyang si Ate Yen."

"Going strong ang friendship nila. Sanaol."

"Akala ko buntis siya doon sa dating pics, hindi pala. Holding hands na so hindi na malling with a friend?"

"Holding hands as a friend yarn?"

Matatandang nabulabog ang social media noong 2021 dahil sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes. Pagkatapos, lumabas naman ang mga litrato at video nina Paolo at ang leading lady niyang si Yen Santos sa 'A Faraway Land' na namamasyal nang magkasama sa Baguio City.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/08/paolo-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-lj-yen-santos-prinotektahan/">https://balita.net.ph/2021/09/08/paolo-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-lj-yen-santos-prinotektahan/

Agad naman itong inamin ni Paolo at sa isang pahayag, sinabi niyang namamasyal lamang sila 'as a friend' ni Yen.

Pagtatanggol naman ng talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis, talagang 'mother figure' kasi si Yen kaya sa kaniya marahil komportable si Paolo na kasama ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/18/yen-mother-figure-nga-ba-talaga-dahil-totoong-may-junakis-na/">https://balita.net.ph/2021/09/18/yen-mother-figure-nga-ba-talaga-dahil-totoong-may-junakis-na/

Ipinagtanggol din ni Lolit si Yen na walang kinalaman ang aktres sa hiwalayang Paolo-LJ.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/yen-santos-walang-kinalaman-sa-hiwalayang-paolo-lj-lolit-solis/">https://balita.net.ph/2021/08/24/yen-santos-walang-kinalaman-sa-hiwalayang-paolo-lj-lolit-solis/

Pinagpiyestahan din ang espesyal na birthday celebration ni Yen matapos umanong mapagtagni ng mga netizen na tila nasa iisang venue ang dalawa, batay sa kanilang IG stories.

Kumalat din ang mga espekulasyong buntis umano si Yen subalit pinabulaanan ito ni Paolo at sinabing mahangin lamang daw nang mga oras na iyon, nilipad-lipad ng hangin ang damit ni Yen, kaya nagmukhang malobo ang tiyan, habang sila ay naispatan umano sa airport patungong Boracay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/">https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/

Hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nila.