Nagpalabas ng ilang paalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga train commuters, kasunod nang nakatakda nang pagsisimula sa Lunes, Marso 28, ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa DOTr, ang mga may valid stored value cards o beep cards ay maaari nang dumiretso sa gate at i-tap ang kanyang card para makapasok sa istasyon.

Maaari na rin umanong dumirekta sa platform at maghintay para makasakay ng tren.

"Kapag nakasakay na, kailangang siguruhin na ang card na ginamit sa pagpasok sa istasyon ay ang parehong card na gagamitin sa pag-exit sa istasyon," anang DOTr.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"I-tap ang ticket sa ticket gate upang maka-exit sa istasyon. Walang icha-charge dito," anito pa.

Para naman sa mga walang beep cards, maaaring magtungo sa ticket office at kumuha ng single journey ticket (SJT).

Kailangan ring impormahan ang ticket seller sa istasyong iyong bababaan.

Nauna rito, nagdesisyon sina Pang. Rodrigo Duterte at DOTr Secretary Arthur Tugade na magkaloob ng isang buwang libreng sakay para sa mga parokyano ng MRT-3 o hanggang sa Abril 30, 2022.

Kasunod na rin ito ng matagumpay na pagkumpleto ng MRT-3 Rehabilitation Project.

Pinapaalalahanan din naman ng DOTr ang lahat na sundin ang mga health at safety protocols sa mga istasyon at loob ng tren, upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang DOTr ay bumabaybay sa EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.