Usap-usapan ngayon ang matatalas na pahayag ng aktres na si Elizabeth 'La Oro' Oropesa tungkol sa alegasyong 'bayad' daw ang mga artistang nagpapahayag at nagpapakita ng pagsuporta sa kandidatura ni presidential candidate at dating senador na si Bongbong Marcos o BBM.

Handa umano siyang magpaputol ng paa at gumapang na lang kung totoo man daw ito.

"Ipapuputol ko yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM…" ayon sa pahayag ni La Oro.

"Natutuwa ako para doon sa mga artistang kinukuha nila kasi sigurado ako may TF (talent fee) 'yan. Eh sa atin (kampo ng UniTeam) walang TF."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama," aniya pa.

Masugid na tagasuporta ni BBM si Elizabeth na ipinahayag pa niya noon pa mang maingay na ang pagtakbo ni BBM sa pampanguluhan. Noong Nobyembre 7, ibinahagi niya ang isang larawan na nagsasaad na 'I am a BBM Defender @Election2022' at 'BBM is my President'.

Nitong Nobyembre 10 naman, sinupalpal niya ang mga bashers na nagsasabing mga 'taga-bundok' at 'iskwater' ang mga tagasuporta ni BBM.

"May nagsabi na kami raw na maka-BBM ay TAGA-BUNDOK at mga ISKWATER. Sige lang. Okay lang, eh ano!!? Magsama- sama kayong mga sosyal! Hehehe."

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/11/elizabeth-oropesa-i-am-a-bbm-defender/">https://balita.net.ph/2021/11/11/elizabeth-oropesa-i-am-a-bbm-defender/