Binalaan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, Jr., ang publiko na bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI) dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito.

Inilabas ni Solidum ang babala matapos maitala ang phreatomagmatic burst sa bunganga ng bulkan dakong 2:26 ng madaling ng Biyernes.

Umabot aniya sa 500 metrong taas ang ibinugang usok ng bulkan.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng dalawang pagyanig na tumagal ng dalawang minuto sa nakalipas na 24 oras.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

"The phreatomagmatic burst and high sulfur dioxide (SO2) emission at Taal Volcano signify its continued unrest, and the possibility of steam-driven explosion or gas expulsion persists. Entry into TVI is prohibited," babala ni Solidum.

Partikular na ipinagbabawal ang pagpasok sa bisinidad ng main crater at sa bitak nito sa Daang Kastila.

Ipinaiiral pa rin ang Alert Level 2 sa bulkan na nangangahulugang posible itong magbuga ng nakalalasong usok, yumanig, at magpakawala ng abo sa palibot nito.

PNA