Upang mapabilis ang pagdadala ng mga sugatang sundalo sa ospital, inilunsad ng Philippine Army ang kauna-unahan nilang air ambulance.
Isinapubliko ang nabanggit na sasakyang panghimpapawid sa isinagawang aerial medical evacuation simulation sa Fort Bonifacio sa Taguig City nitong Marso 21.
Tampok sa nasabing kunwaring sitwasyon ang round trip flight ng nasabing Bolkow helicopter na sakay ang mga doktor, nurse, piloto at crew ng militar mula sa Army Support Command open field patungong Hunters-ROTC Parade Grounds.
“Caring for our soldiers, from difficult and austere environments to higher levels of care, is now possible due to the continued advancements in military medicine and dedication of the Philippine Army to turn the Aeromedical Evacuation Capability into reality,” paglalahad ni Army Chief Nurse Col. Maria Victoria Juan.
Binigyang-diin naman ni Army Chief Nurse Col. Maria Victoria Juan, malaking tulong ang pagkakaroon ng “Aeromedical Evacuation Capability” dahil 90 porsyento ng combat fatalities ay nangyayari bago madala sa pinakamalapit na ospital.
“We are developing the Army’s casualty evacuation because the life of each soldier counts. Even if we save only one life through this capability, it is already worth it,” pagdidiin naman ni Philippine Army commanding general Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. matapos masaksihan ang medical evacuation simulation.