Kasunod ng kanyang pansamantalang pag-exit sa showbiz industry, napabalita namang pumanaw na si ex PBB housemate Brenda Mage na ikinaloka nga ng komedyanteng humihinga pa.

Kalakip ang larawan ng isang YouTube content na may titulong “Komedyanteng si Brenda Mage, Namaalam Na” pinabulaanan nito ang mga kumakalat na fake news ukol sa kanyang pagpanaw.

Larawan mula Brenda Mage via Facebook

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Namaalam pa nga,” natatawang saad n Brenda sa isang Facebook post nitong Huwebes, Marso 23.

“Ang sarap lang din sa feeling yung Pilit ka nila ibinababa pero ikaw ang saya-saya ng buhay mo haha,” pagpapatuloy ni Brenda.

Dito sunod na tinira rin niya ang mga chismis wala umano siyang natanggap na mga proyekto matapos ang kanyang Pinoy Big Brother (PBB) stint.

“Opo wala po.. kasi diko tinanggap.... kung pwede ko lang ipost yung mga offers na projects pero ‘wag na hayaan ko nalang kayo manghusga ‘di ko naman utang sa inyo magpaliwanag,” saad ni Brenda.

Dagdag niya, “Basta ako masaya ako sana kayo rin.. God bless po sa lahat [emoji],” saad ni Brenda.

Kung magtutungo sa video-streaming website na YouTube, ilan pang fake news pa ukol umano sa kanyang pagpanaw ang makikitang nakabalandra pa rin hanggang sa pag-uulat.

Naging usap-usapan kamakailan ang naging pasya ng kilalang komedyante na pansamantala munang magpahinga sa showbiz industry.

Ayon sa kaniyang mahabang Facebook post nitong Marso 20, matapos daw ang 15 taong pananatili sa Maynila at pursigihing maging celebrity, ay babalik na raw muna siya sa probinsya.

Pagbabahagi pa niya, sa ilang mga raket niya sa showbiz ay nakapag-ipon na rin naman siya para asikasuhin niya ang kaniyang kinabukasan. Isa pa, kumikita rin ang kaniyang YouTube channel, na napag-usapan nila ng mga kapwa housemate na sina Madam Inutz at Eian Rances habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.

Basahin: Brenda Mage, babu na raw muna sa showbiz, sa probinsya muna eeksena – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid