Natagpuang patay si American singer-songwriter Keith Martin sa kanyang condominium unit sa Eastwood City sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naalerto ang mga kapitbahay ni Martin dahil sa masangsang na amoy sa ikaanim na palapag ng gusali.

Nang puntahan ng property manager at ng mga opisyal ng barangay ang lugar ay na-trace nila ito sa Unit 6E ng condominium unit kung saan natagpuan ang bangkay ni Martin.

Kaagad namang inihayag ni Quezon City Police Station 12 commander Lt. Col. Cristine Tabdi na ililipat nila saCriminal Investigation and Detection Unit ang paghawak ng kaso.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng mang-aawit.

Si Martin ay naging tanyag sa pagkanta at paggawa ng mga romantic love songs, kabilang na ang "Because of You."