Isa sa mga bumati ng 'Happy Birthday' sa Kapamilya actress na si Ria Atayde ang 'rumored boyfriend' niyang si Kapamilya actor Joshua Garcia, na talaga namang humahakot ng views kapag nag-uupload ng panibagong TikTok videos.

Makikita mismo sa Instagram story ni Joshua ang litrato ni Ria na may text caption na "Happy Birthday rumored girlfriend!" na naka-tag sa kaibigang aktres, na anak ni Sylvia Sanchez at kapatid ni Arjo Atayde.

Ria Atayde (Screengrab mula sa IG/Joshua Garcia)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Matatandaang noong Enero 2022, naispatang magkakasama sa isang 'triple date' ang magkakaibigang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Alora Sasam sa isang beach. Kasama rin ang pet dog ni Kathryn na si Snowy. Ibinahagi pa ni Kathryn sa kaniyang Instagram post ang pakuwela nilang mga litrato na may ka-holding hands sila. Wala namang 'face reveal' kung sino nga ba ang kahawakan ng kamay ni Joshua sa kanila.

Marami naman ang naintriga sa sweetness nina Joshua at Ria. Pero nilinaw nila na magkaibigan lamang silang dalawa, at nasa iisang circle of friends.

Marami sa mga netizen ang nagpatunay at nagsabi na huwag haluan ng malisya ang pagkakaibigan nina Joshua at Ria. Hindi porke't magkasama sa iisang litrato ay may 'something' na raw. Sa katunayan daw, lumalabas na si Ria ang 'ate-ate' daw nila sa grupo nila ng mga magkakaibigan. Ang tawag sa kanilang grupo ay 'Nguya Squad' kung saan isa umano sa mga orihinal na miyembro si Ria.

Hindi ito ang unang beses na naintriga ang pagkakaibigan nina Joshua at Ria. Noong 2021 pa umusbong ang chikang ito dahil nakikita nga sina Joshua at Ria na magkasama kapag labas ang grupo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/27/sino-ang-mystery-girl-na-nagbibigay-liwanag-kay-joshua-garcia/">https://balita.net.ph/2022/01/27/sino-ang-mystery-girl-na-nagbibigay-liwanag-kay-joshua-garcia/

"We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends," paglilinaw ni Ria sa naging panayam ng 'Pop Cinema' ng Cinema One sa kaniya noong 2021.

Bukod sa pagkakaibigan ay mukhang business partners din sila kasama pa ang Kapamilya actor na si Enchong Dee, batay sa kaniyang Facebook post. Sila ay naka-invest sa sustainable eco-farming na 'Palaya Shrimp Farm'.

Samantala, parehong napapanood sina Joshua at Ria sa teleseryeng 'Viral Scandal' mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi, sa mga platform ng ABS-CBN.