Pumalag ang OPM rock icon na si Dong Abay sa paggamit umano ng kaniyang awiting 'Kumusta Na' bilang jingle sa campaign rallies ng UniTeam at may mensahe siya sa lahat ng mga boboto kina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.
Ipinahayag ni Dong sa kaniyang tweet ang matatapang niyang pag-alma, dahil ang awiting iyon ay alay umano niya sa EDSA People Power I, bagama't anti-Aquino siya, hindi rin naman daw niya ito hahayaang ipagamit sa kapakinabangan ng kandidatura ni Bongbong Marcos bilang pangulo ng bansa. Tinawag pa niyang 'Unithieves' ang partido nito.
"Ang kantang 'Kumusta Na' na tungkol sa "EDSA Pipol Power" ay para sa sambayanang Pilipino. Hindi ko ito sinulat para sa Marcos loyalists kahit ako ay anti-Aquino. Over my dead body. At hindi ko pinahihintulutang gamitin ang kantang 'yan bilang jingle ng BBM-Sara Unithieves. P*kyu," saad ni Dong.

Isinulat ni Dong ang 'Kumusta Na' at inawit ng defunct-rock band niyang 'Yano' noong 90s. Tinatalakay nito ang naging buhay ng mga Pilipino noong 1986 EDSA People Power Revolution.
Ganoon din ang sey niya sa kanta niyang 'Perpekto'.
"FYI: Ang kanta kong 'Perpekto' ay sinulat ko para sa mga TAO hindi para sa mga trapong buwaya, baboy, buwitre, ahas at lalong lalo na sa mga panatikong ipis, daga at langaw sa tae," aniya sa kaniyang tweet noong Marso 21, 2022.

Sa huli, may maaanghang na pahayag siya laban sa mga botanteng ibibigay ang kanilang boto sa tambalang BBM-Sara.
"P*KYU sa lahat ng nasa social media na boboto sa magnanakaw at sinungaling na si Jun2 Marcos at butangerang si Inday Dutae! T*ngnanyo, mga langaw kayo sa tae! #NoToMarcosDuterte2022."

Samantala, wala namang tugon o reaksyon ang standard bearers ng UniTeam tungkol dito.
Matatandaang ito rin ang naging isyu ni Megastar Sharon Cuneta nang kantahin ni senatorial candidate Salvador Panelo ang signature song niyang 'Sana'y Wala Nang Wakas' sa isang LGBTQIA+ community event na inorganisa ni Inday Sara sa Quezon City.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/
Agad namang nagpaliwanag si Panelo tungkol dito, at sinabi niyang certified Sharonian kasi siya, at naaalala niya ang anak na yumaong may Down Syndrome.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/ikaw-ni-mega-kinanta-rin-ni-panelo-sa-burol-ng-anak-noong-2017-sharonian-kasi-ako/">https://balita.net.ph/2022/03/12/ikaw-ni-mega-kinanta-rin-ni-panelo-sa-burol-ng-anak-noong-2017-sharonian-kasi-ako/
Matapos makatanggap ng kritisismo mula sa mga netizen, agad ding binura ni Shawie ang lahat ng mga negatibo niyang komento tungkol dito, subalit hindi na siya naglabas pa ng panibagong pahayag tungkol dito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/13/sharon-kumambyo-binura-ang-ig-post-laban-kay-sal-panelo/">https://balita.net.ph/2022/03/13/sharon-kumambyo-binura-ang-ig-post-laban-kay-sal-panelo/