Pinalagan ng beteranang showbiz manager na si Manay Lolit Solis si Kapuso actress Bea Alonzo matapos umanong ipa-elbow siya nito sa isang launching event. Aniya, “power trip to the highest level ang feeling” ng aktres.

Naglabas ng hinanaing sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Marso 22 si Manay Lolit matapos mabalitaang natanggal siya sa invited list ng press sa launch ni Bea ng isang skincare brand.

“Talagang power trip to the highest level ang feeling ni Bea Alonzo nang ipaalis nila ni Shirley Kuan ang name ko sa invited list ng press para sa launch ni Bea Alonzo sa Beautederm ni Rhea Tan,” saad ni Lolit.

Aniya, hindi niya raw ito naranasan sa ibang big celebrity maging kay Kris Aquino na isang bigating pangalan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kahit kay Kris Aquino na anak ng isang hero, Presidente ang mother at kapatid, at pamilya Cojuangco never nag power trip na tulad ni Bea Alonzo. OK lang na ayaw niya ako makita o kausapin, pero sana naman ginalang niya ang may-ari na si Rhea Tan ng Beautederm na magbabayad ng magagastos sa launching,” ani Manay Lolit.

“Ok din na ayaw niya sa akin, pero ang isali sila Salve at Gorgy, bonggang power trip na talaga. Feeling super mega star of all season , pinaka influential na puwede mag cancel sa 3 writers pag ayaw niya, wow, salute to Shirley Kuan for giving in sa request ng kanyang pinaka precious na alaga,” dagdag niya.

Hindi naman nagtimpi ang veteran showbiz writer at binanatan pa nito ang aktres sa pag-uungkat sa kontrobersyal na nakaraan nito sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

“Sana kung feeling niya maganda siya, maganda din pati ang ugali niya para perfect at hindi magkaruon ng wrinkles sa inis ang kanyang face. Sana mapatunayan niya na better siya kesa kay Julia Barretto para hindi siya na ghosting ni Gerald Anderson,” maanghang na sabi ni Manay Lolit.

Matatandaang naging diretsa kamakailan si Manay Lolit kaugnay ng opisyal na anunsyo sa pagganap ng aktres sa karakter na ginampanan ni Bae Suzy sa Korean drama series na Start-Up. Magkakaroon kasi ng Pinoy remake ito at pagbibidahan ni Bea at Kapuso homegrown talent na si Alden Richards. Ani Manay Lolit, matanda na umano para sa nasabing role si Bea.

Kasalukuyang ang aktor na si Dominique Roque ang karelasyon ng Kapuso actress.