Ibinulsa kaagad ng Barangay Ginebra ang Game 1 ng best-of-five semifinal series nila ng NLEX Road Warriors, 95-86, sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkules ng gabi.

Katulad ng inaasahan, nanguna na naman sa scoring ang import na si Justin Brownlee sa naipong27 puntos, 14 rebounds, anim na assists, apat na blocks at isang steal.

Naka-19 puntos naman si LA Tenorio, anim na rebounds at anim na assists habang si Scottie Thompson ay nakakuha ng15 puntos, 11 rebounds at tatlong assists.

Nagkaroon naman ng injury si Japeth Aguilar sa nalalabing 10:43 ng third quarter at hindi na nakalaro hanggang sa manalo ang kanyang koponan.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“I’m happy with this win, but it was tempered by Japeth’s injury. It was really important to get the first win to have that margin of error without Japeth,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

“We won’t know the status until tomorrow,” paglalahad pa nito.

Nagsalansannaman si NLEX import Cameron Clark ng 30 puntos at 13 rebounds.

Itinakda ang Game 2 ng kanilang serye sa MOA Arena sa Biyernes.