Pumanaw na si Minerva “Eva” Castillo, kilalang matinding katunggali ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mga amateur singing contest noong kabataan nila.

Sa isang Facebook post sa account ni Eva, inanunsyo ng mga anak nito ang pagpanaw ng kanilang ina.

“Nais po naming ipabatid sa mga pamilya at mga kaibigan ng aming mahal na nanay eva na sya po ay sumakabilang buhay na around 2pm nito lamang pong hapon ng March 22,2022 we love you and we miss you nanay eva namin Rest in Peace pahinga kana ?????????” mababasa sa nasabing Facebook post.

Tsika at Intriga

Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Screengrab mula Facebook

Sa serye ng nagdaang posts pa nito sa Facebook, makikitang sumailalim ang mang-aawit sa dialysis para sa kanyang sakit sa bato.

Makikita rin dito na tatlong araw lang matapos pumanaw ng kanyang asawa na si Abet Castillo Recto noong Marso 19 ay sunod siyang binawian ng buhay dahil sa sakit.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa mga kaanak at kaibigan ng dating mang-aawit.

Matatandaan noong 2009, gumanap si Songbird sa karakter ni Eva sa tunay na kwento nito sa SRO Cinemaserye noon ng GMA-7 na The Eva Castillo Story.

Si Regine at Eva ay kilalang matinding magkatunggali sa bosesan sa mga amateur singing contests noon. Tinatayang nasa 300 kampyeonato ang naiuwi ni Eva at ilan dito ay matapos matalo si Regine sa mga singing contests sa iba’t ibang lugar sa Bulacan at kalapit na probinsya.

Muli pang nakita sa ilang programa ng GMA-7 si Eva hanggang sa unti-unti itong nawala sa spotlight kasunod ng pagkakasakit nito.

Maging ang community fan page ni Songbird ay nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Eva nitong Martes.