Sa wakas, sa altar ng simbahan na rin ang tuloy ng 18 taong pagsasama bilang mag-jowa nina Troy Montero at Aubrey Miles, matapos na ngang hingin ng una ang kamay ng huli, at ipasok na sa singsing nito ang engagement ring, at marinig ang matamis na 'Yes!' nito.

“Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!” ayon sa caption ng Instagram post ni Troy nitong Marso 22 kalakip ang mga litrato nila ni Aubrey. Ibinalandra naman ni Aubrey ang kaniyang kamay kung saan nakaadorno ang engagement ring na handog sa kaniya ng jowa.

Troy Montero at Aubrey Miles (Screengrab mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tuwang-tuwa naman ang mga showbiz friends nila gaya nina Mariel Rodriguez-Padilla, Daniel Matsunaga, Iza Calzado, Marc Nelson, Yam Concepcion, Gretchen Ho, JM Rodriguez, Ryan Agoncillo, at marami pang iba.

Isinalaysay naman ni Aubrey ang kaniyang reaksyon nang ipakita na sa kaniya ni Troy ang 'mahiwagang singsing' mula sa kahita, na binili sa 'JS Diamond Jewelry'.

"Woke up to this forever happiness. I’ve always known it’s him," sabi ni Aubrey.

"Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand."

Aniya, mas nauna pa raw siyang magpasalamat kaysa masabi ang yes.

"It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said 'Thank you and YES!' Lol pag kita ko sa ring napa- thank you muna ako. bago Yes."

Screengrab mula sa IG/Aubrey Miles

Noong Setyembre 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang 18th anniversary bilang magkasintahan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/20/18-years-of-breakfast-dates-troy-montero-at-aubrey-miles-going-stronger-ang-relasyon/

Humanga ang mga netizens dahil going stronger ang kanilang relasyon, kasama ang mga anak na sina Maurice, Hunter Cody, at Rocket. Aminadong nagkakaedad na sila, subalit hindi pa rin halata sa kanilang mga physiques.

"18 years of breakfast dates with you. Mostly in pajamas and pambahay na damit, but every so often we get a bikini & boardshorts, hotel robes or Birthday suit treat. Thankful to get those bikini/hotel robe dates but it’s the pajamas and pang bahay breakfast days that got us to 18 Delicious Years. Cheers to our way of doing things @milesaubrey," mensahe ni Troy para kay Aubrey.

Gayundin naman si Aubrey kay Troy. Ipinaliwanag niya kung paano nila napanatili ang strong at committed relationship sa loob ng 18 taon.

"People ask how to keep a strong and committed relationship for 18 years. For me, it’s not really complicated. Always remember when you enter a relationship, could you see a future with this person? Maybe even growing old together? No guarantees though, nothing is guaranteed," ani Aubrey.

Balak na sanang magpakasal ng couple noong Abril 2020 sa Batanes, subalit napurnada dahil sa pandemya.