Nagbanta umano ang mga vendors sa Divisoria na kakasuhan si Manila Mayor Isko Moreno at iba pang tauhan ng Manila City Hall matapos na umano’y ibenta ang Divisoria Public Market.

Ayon kay Emmanuel Plaza, chairman ng Divisoria Public Market Credit Cooperative, ang kaso ay ihahain nila sa Office of the Ombudsman.

Dismayado si Plaza dahil hindi umano sila kinonsulta nang isagawa ang bentahan.

Aniya pa, nagulat na lang sila na pinapaalis na sila sa kanilang mga puwesto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inihayag rin ni Plaza na sumulat na sila sa Senado para magsagawa ng pagdinig hinggil sa kanilang hinaing subalit hindi naman ito naaksyunan.