Kinilig ang mga netizen nang maispatang nagkomento ang ex-jowa ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga sa isa sa mga litrato nito sa latest Instagram post ng Kapamilya actress, noong Marso 19, 2022.

Flinex ni Barbie ang kaniyang bagong red hair color. "B**ch you better be joking," saad sa caption.

Nagkomento rito ang mga celebrity friends na sina Tony Labrusca at kapatid ni Daniel Padilla na si Maggie Ford.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Pero ang agaw-pansin at talaga namang kinakiligan ng mga netizen ay ang komentong 'Poison Ivy' ni Diego kay Barbie. Si Poison Ivy (Dr. Pamela Lillian Isley) ay karakter sa 'Batman' series ng DC Comics.

Tumugon naman dito si Barbie, "Ako nga pala yung sinayang mo HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA."

Ngunit tumugon naman si Diego kay Barbie na "Are you sure?" bagay na inintriga naman ng mga netizen at tila hindi nagustuhan.

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Narito ang komento ng mga netizen:

"Comeback is real!"

"Magbalikan na kasi kayo!"

"Yeah sure ang ganda kaya ni @msbarbieimperial talagang sinayang mo talaga."

"Hindi ka sayang Miss Barbie, hehe maganda ka, talented at mabait. Marami pa iba diyan na mas deserving."

"Naku po wag kayo ganyan sir baka umasa kami hahaha pero ok lang kinikilig naman kami."

"@diegoloyzaga maganda si Barbie she already moved on. Mag move on ka rin."

"Sana kayo na lang ulit bagay talaga kayo kinikilig ako sa inyo."

Matatandang inamin mismo ni Barbie na isang panayam sa TV Patrol noong Enero 2022, na wala na sila ni Diego.