Ipinakita ng tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin ang kaniyang pagsuporta sa Leni-Kiko tandem nang dumalo siya sa naganap na campaign rally sa Pasig City, noong Linggo, Marso 20, 2022.

Makikitang may hawak pa si Angel na isang handmade poster o karatula na may hugot lines na "Ma’am Leni! Sayo na ang bato!".

Tingnan: https://www.facebook.com/balitaphl/posts/5157270944329030

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May be an image of 2 people and outdoors
Screengrab mula sa IG/Angel Locsin at Neil Arce

Ibinahagi rin ni Angel ang 'fan girling' niya nang makaharap niya mismo si VP Leni at maipakita niya rito ang 'project' niya, o tumutukoy sa ginawa niyang karatula.

"Napansin yung project kong inabot ng 3am. Thank you po Ma’am @bise_leni @aikarobredo @jpgrobredo at mga kuya marshals," saad sa caption ni Angel, sa kaniyang ibinahagi video kung saan makikitang kilig na kilig siyang makaharap ang presidential candidate.

Angel Locsin at VP Leni Robredo (Larawan mula sa FB/Angel Locsin)

"Sabi ng asawa ko 'tama na, tama na….” noong nagsisigaw ako. Tapos hinila na ako palayo, lol."

Sa isa pang Facebook post, makikitang parehong hawak nina Angel at VP Leni ang karatula. Ayon kay Angel, ito raw ang unang beses na nagpakita siya ng buong pagsuporta sa isang kandidato sa pagkapangulo.

"I know in my heart she will not disappoint, still on a high from yesterday’s rally! It’s my first time to openly support a presidential candidate," pag-amin ni Angel.

May be an image of 6 people and people standing
Angel Locsin at VP Leni Robredo (Larawan mula sa FB/Angel Locsin)

Simula nang opisyal na mag-file ng certificate of candidacy o COC si VP Leni noong Oktubre 2021 ay isa si Angel sa mga celebrity na hayagang nagpakita ng pagsuporta sa kaniyang kandidatura.