Gattaran, Cagayan -- Patay ang 90 taong gulang na ina at ang kanyang anak na 60 taong gulang sa isang sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Brgy. Centro Norte.

Isang naiwang kandila ang napag-alamang sanhi ng sunog nitong Lunes, Marso 21.

Kinilala ni Lieutenant Romel Ramos, Deputy Chief of Police of the PNP Gattaran ang mga biktima na sina Marcelina Bernardo, 90, at Roger Bernardo, 60.

Ayon sa mga imbestigador mahilig magsindi ng kandila si Marcelina sa tuwing ito ay nagrorosaryo ngunit nakalimutan umano nitong patayin ang kandila na naging sanhi ng pagkasunog ng kanilang bahay at isa pang bahay na pag-aari ni Ginang Eleanor Ursua, isang retiradong guro.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagawa ng awtoridad na iligtas si Marcelina ngunit bumalik ito sa loob ng nasusunog na bahay para lamang kumuha ng mahahalagang dokumento, malamang ay titulo ng lupa.

Gayunman, si Roger ay nasa labas na ng bahay at tinutulungan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy. Ngunit dahil alam niyang nasa loob pa ang kanyang ina, agad niyang sinundan ito para iligtas. Sa kasamaang palad, pareho silang nabigo na lumabas.