ZAMBOANGA CITY - Binulabog ng pagyanig ang unang araw ng face-to-face classes sa lungsod nitong Lunes, Marso 21.
Sinabi ni city councilor Mike Alavar, kasalukuyang nagkaklase saTagalisayElementary School at High School, Vitali Elementary School at TaguitiElementary School na biglang yumanig ang gusali dakong 8:02 ng umaga.
Dahil dito, agad na pinalabas ang mga estudyante sa tatlong gusali upang mailikas sa ligtas na lugar.
Sa isinagawang ocular inspection ng mga opisyal ng lungsod, nakitang bitak-bitak ang dingding at sahig ng gusali na palatandaang malakas ang pagyanig.
Paliwanag naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)-Region 9 chief, Allan Labayog, umabot lamang sa 3.7-magnitude ang tumama sa lugar.
Idinagdag pa ng Phivolcs na lumikha ng apat na kilometrong lalim ang pagyanig sa hilagang silangan ng Sibuco, Zamboanga del Norte.
Liza Abubakar- Jocson