Sinorpresa ni Coco Martin ang kaniyang 'rumored girlfriend' na si Julia Montes, sa pagdiriwang nito ng kaarawan noong Marso 19, habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano' na hanggang ngayon ay umeere at hindi pa rin matibag-tibag.

Makikita sa Facebook fan page na 'CocoJulia' ang ginawang pa-sorpresa ni Coco kay Julia, kasabwat ang mga kasamahang artista, staff, at crew; naispatan pa sa litrato sina Rosanna Roces, Shaina Magdayao, Angel Aquino, at John Estrada.

Makikitang nakahilera ang lahat habang inaawitan siya ng 'Happy Birthday'. At syempre, sa bandang dulo, naroon si Coco na may hawak na cake, bago ito hipan ng aktres.

Nahagip ng camera sa isang cellphone, na kahit medyo blurred, makikitang hinalikan ni Julia si Coco sa labi at tila naghiyawan ang lahat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 8 people, people standing and outdoors
Julia Montes (Larawan mula sa FB/CocoJulia World)

May be an image of 7 people, people standing and balloon
Julia Montes at Coco Martin (Larawan mula sa FB/CocoJulia World)

May be an image of 7 people, people standing, balloon and indoor
Julia Montes at Coco Martin (Larawan mula sa FB/CocoJulia World)

May be an image of 1 person, phone and text
Julia Montes at Coco Martin (Larawan mula sa FB/CocoJulia World)

Sa kaniyang Instagram account ay binati rin ni Coco si Julia at mukhang bongga rin ang pahanda!

Hanggang ngayon, hindi pa umaamin at hindi kinukumpirma sa publiko nina Coco at Julia kung totoo bang may relasyon sila, pero sabi ng mga netizen, 'Alam na!'

Noong 2021, naurirat si Julia kung kumusta na ba ang buhay-pag-ibig niya. Sinabi ng aktres na in love siya ng mga panahong iyon.

"Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin,” paliwanag ng aktres sa panayam niya kay G3 San Pedro para sa bagong isyu ng Mega noong Hulyo 1, 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/07/04/julia-montes-kung-bakit-hindi-siya-open-sa-kanyang-love-life-kung-anong-nandyan-sisirain/

"There’s nobody…It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam n'yo?’ Okay, kung anong alam n'yo, okay po. ‘Yun na lang,” dagdag pa ni Julia.