Dumalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem ang momshie ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo na naganap nitong Linggo, Marso 20.

Proud niyang ibinahagi ang kanyang experience sa kanyang Instagram post.

"Glad to have witnessed the massive support in Pasig. Grabe ang mga tao," saad ni Min.

"Andito ang all walks of life, matanda, bata, babae, lalake, LGBTQ, aso, pusa, lahat tumitindig para kay Leni, para sa kinabukasan ng mga bata, para sa bansa," dagdag pa niya.

Makikita sa kanyang post ang ilang larawan at video na kinunan niya sa campaign rally.

"Nakakakilabot! Super daming tao ang nakikiisa. Partida ang nakikita lang mostly online is aerial shots along Emerald Avenue, but all these videos/photos uploaded here were taken along side streets (Sapphire, Onyx, Garnet, Julia Vargas, etc). This is the reality on the ground," ayon pa kay Min.

May kalakip din itong mga hashtag na #pasiglaban, #letlenilead, #lenikiko2022.

Samantala, makikita rin sa kanyang Instagram stories ang ilang snippets ng pagdalo niya sa campaign rally.

Matatandaang noong Pebrero 7,ibinahagi niya sa kanyang Twitter ang kulay pink na larawan na mayroong pink na rosas sa ibaba, isang araw bago ang opisyal na simula ng national campaign.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/08/ina-ni-kathryn-bernardo-certified-kakampink/

Gayunman, hindi pa hayag kung kakampink din ba ang kanyang anak na si Kathryn Bernardo.