Nangampanya sa Malabon nitong Linggo si Davao City Mayor Sara Duterte nang hindi dumalo sa vice presidential debate na binuo ng Commission on Elections (Comelec).

Sa kanyang talumpati, binanggit na iiwan niya ang Davao City na walang utang.

“Ibig po sabihin napapangalagaan namin ang mga negosyante at hanapbuhay sa siyudad namin at naibibigay ng aming gobyerno ang mga pangangailangan ng mga komunidad,” banggit nito.

Nauna nang pinuna ng kanyang mga katunggali ang pagliban nito sa unang bugso ng PiliPinas Debates 2022.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Ikinasa na ang ikalawang bugso ng debate sa Abril 23.