Maraming mga netizen ang napatanong sa 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang 'spongkey' batay sa kaniyang latest blind item.

Ayon sa kaniyang Facebook post noong Marso 19, 2022, "ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong Marso 20 naman, may isa pa siyang follow-up FB post tungkol dito.

"WALANG MASAMA SA PAGKAKAROON NG SPONGKEY! JUSKO NAMAN GUYS, 2022 NA! NORMAL NA YAN SA ATING LIPUNAN NGAYON. ANG MASAMA EH YUNG MAY JOWA KA TAPOS SUMA-SIDELINE KA PA SA MGA SPONGKEY MO! KUNG MAY BOYFRIEND KA EH PUKUS KA LANG DAPAT SA BOYFRIEND MO. KUNG TRIP MO PALA ANG SPONGKEY BUSINESS EH 'DI MANATILI KANG SINGLE! GANUN LANG KASIMPLE YUN! HUWAG KANG MAG-JOWA! YOU CANNOT BOATING IN TWO RIVERS! MYGAAAAAHD."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sa isa pang FB post noong Marso 20, "ANG PINAKA-AYAW KO SA LAHAT AY YUNG MGA BABAE NA AKALA MO PINSAN NI MAMA MARY KUNG MAGMALINIS AT TILA WALANG BAHID NG KASALANAN KUNG I-PORTRAY YUNG MGA SARILI NILA SA SOCIAL MEDIA."

"AKO KASI TOTOONG TAO AKO AT ALL TIMES KAYA AYAW NA AYAW KO SA MGA TAO NA WINE-WAY YUNG NARRATIVE IN FAVOR OF THEM PARA MAKUHA YUNG SIMPATYA NG LAHAT BILANG ISANG KAWAWANG BIKTIMA. KUNG MAGLALABAS KA NG STATEMENT SA ISANG INSIDENTE, SABIHIN MO LAHAT-LAHAT NG IMPORMASYON. I-BROADCAST MO SA BUONG PILIPINAS NA HINDI PORKE PINERAHAN KO LANG SIYA AT NAHULI NIYA KO NA SUMA-SIDELINE SA ISANG SPONGKEY EH MAY KARAPATAN NA SIYANG SAKTAN AKO DAHIL WALANG SINUMAN ANG MAY LISENSYA MAMBUGBOG NG ISANG BABAE KAHIT ANO PA ANG NAGAWA NITONG PAGKAKAMALI! GANORN! DAPAT HONEST AT TRANSPARENT KA!"

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Kaya naman marami na ang mga napatanong kung ano ba ang ibig sabihin ng 'spongkey'.

Hindi na pinahirapan pa ni Xian ang mga online marites at agad na ipinaliwanag ito.

"SPONGKEY is a noun, meaning a person who gives financial support in exchange for sexual favors or intimate relationship," ayon sa screengrab na ibinahagi niya.

Mula umano ito sa pinagsamang salitang 'sponsor' at 'key' na mula naman sa pahayag na 'Sponsor is the key'.

May be an image of text that says 'Ano po ung SPONGKEY? Hahaha 12:03 PM
Larawan mula sa FB/Xian Gaza

"So alam n'yo na ngayon ha? Welcome mga ignorante," saad pa ni Xian.