Masayang-masaya ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa balitang magiging nanay na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban, batay sa latest Instagram post nito, at ang tatay ng kaniyang dinadala ay ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

Sinariwa ni Cristy ang mga panahong medyo bata-bata pa si Angge at nakapanayam niya tungkol sa tatay nito, na hindi naman niya nakilala habang siya ay lumalaki.

Naiinggit daw umano si Angge sa mga kaklase niya noon dahil kasama nila ang mga nanay at tatay nila, pero siya, mommy lang at hindi nga niya nakilala ang ama.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"At heto, si Gregg Homan, maninindigan sa kaniyang dinadala, lalaki ang kaniyang anak na merong nanay at merong tatay," sabi ni Cristy, sa March 21 episode ng Cristy Ferminute.

At ngayon, kaya raw siguro nagkita-kita na sa isang reunion sina Angel Locsin, Dimples Romana, Angelica Panganiban, Anne Curtis, at Bea Alonzo ay dahil sa magandang balita ni Angge.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/">https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/

Hindi lamang si Angge ang may bitbit na magandang balita, kundi maging si Dimples, na buntis na rin sa pangatlong anak nila ni Boyet Ahmee.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/19/dimples-magkaka-baby-ulit-my-mommy-heart-at-its-fullest-name-suggestions-please/">https://balita.net.ph/2022/03/19/dimples-magkaka-baby-ulit-my-mommy-heart-at-its-fullest-name-suggestions-please/

Natutuwa naman daw si Cristy dahil sa wakas, matapos raw masubaybayan ng publiko ang masalimuot na mga nagdaang relasyon ni Angge, narito na ang isang lalaking magbibigay sa kaniya ng sarili niyang pamilya.

Sey naman ni Romel Chika, kabilib-bilib daw si Angge dahil sa halip na itago ang kaniyang pagbubuntis, ito na mismo ang nag-broadcast sa lahat. Dati raw kasi, kapag nabuntis ang artista, todo-deny pa at itinatago pa, lalo pa't kung hindi naman kasal.

Para naman kay Cristy, kapuri-puri ang ugali ni Angelica na kapag may isyu itong kinasasangkutan, agad-agad na nitong sinasagot at hindi na itinatawing-tawing pa. Agad nitong hinaharap kung anoman ang mga intrigang umiikot sa kaniya.

"Marunong magpahalaga sa kaniyang mga tagahanga at kababayan si Angelica, kung iba lang 'yan lalo't hindi pa kasal, itatago 'yan hanggang sa mamintog nang mamintog ang tiyan."

Wala na raw itinatago si Angelica sa kaniyang sarili, bagay na nakakatuwa naman daw, sey ni Cristy.

Ang tanong daw ng marami, ngayong may baby na sila ng jowa, kailan naman daw ang kasalan?

Saad naman ni Cristy, hintayin na lamang daw kung kailan ang desisyon nina Angge at Gregg na humarap sa altar, dahil ang mas mahalaga, pinanindigan siya ng jowa.

Umugong ang chika na buntis na raw si Angge dahil napalitan siya bilang leading lady sa sweetcom na 'My Papa Pi' katambal si Piolo Pascual. Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pumalit sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/09/how-true-angelica-buntis-na-raw-sa-non-showbiz-jowa/">https://balita.net.ph/2022/03/09/how-true-angelica-buntis-na-raw-sa-non-showbiz-jowa/

Sa isang Instagram story ni Angge, makikitang ibinahagi niya ang litrato ng mga manggang hilaw na nasa puno pa. Sa Pilipinas, pinaniniwalaan na ang isa sa mga prutas na madalas paglihian ng mga buntis ay manggang hilaw, syempre, with matching bagoong. Kaya lalong tumibay ang hinala ng mga netizen na totoo ang chika tungkol kay Angge.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/angge-naglilihi-na-raw-ba-dahil-may-pa-mangga-sa-ig-story-mga-netizen-nagbardagulan/">https://balita.net.ph/2022/03/10/angge-naglilihi-na-raw-ba-dahil-may-pa-mangga-sa-ig-story-mga-netizen-nagbardagulan/