May kabuuang 2,809 na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pinarangalan ng loyalty awards para sa kanilang patuloy na serbisyo ng 10 o higit pang taon sa ginanap na flag raising ceremony nitong Lunes, Marso 21, sa city hall.

Loyalty awardees during the flag raising ceremony on Monday morning, March 21. (Screenshot from VLOG NG PASIG Facebook Live / MANILA BULLETIN)

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Ang mga parangal at insentibo ay ibinigay sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), na kumikilala sa commitment ng mga manggagawa sa lokal na pamahalaan sa public service upang mapabuti ang kanilang moral at produktibidad.

Nakatanggap sila ng certificate of recognition, at cash incentives na P1,000 kada taon ng serbisyo, batay sa taon na itinagal nila.

Ang kasalukuyang pinakamahabang naitalang termino ng serbisyo ng isang aktibong empleyado ng pamahalaang lungsod ay 47 taon.

"Ang isang lokal na pamahalaan, kunwari mawala ang mayor, ang mga konsehal, vice mayor, congressman, ang LGU aandar pa rin yan ng ilang linggo, buwan, o ilang taon. Pero kung kayo po ang nawala, dalawang araw palang magkakagulo na tayo. Kayo po talaga ang buhay ng ating lokal na pamahalaan. Kaming mga politiko, hanggang policy-making, pero kayo naman po talaga ang nagtatrabaho," ani Pasig City Mayor Vico Sotto.