Pumalag si senatorial aspirant at dating DPWH Secretary Mark Villar sa pekeng Twitter account nang makarating sa kanya na may account na gumagamit ng kanyang pangalan.

"This is to inform everyone that the Twitter account named "Mark Villar" (@SecMarkVillar) is fictitious and not my official account," ani Villar sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Marso 20

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

"It appears that the said fictitious account was created to sow divisiveness among the Uniteam supporters and tarnish my name and the Uniteam candidates," dagdag pa ni Villar.

Magsasampa ng kinakailangang reklamo ang kampo ni Villar sa cybercrime division upang panagutin ang taong gumagamit ng pekeng account.

"We condemn such dirty tactics. We shall file the necessary complaint with the cybercrime divisions of law enforcement agencies to hold accountable the person/s who are employing such unlawful and dirty tactics," saad ng senatorial aspirant.

Matatandaang saglit na nag-trending si Villar dahil sa ipinost ng pekeng Twitter account na "walang solid north pero may solid Marikeños."