Asahan na ang pagtaas ng suweldo ng mga guro sa bansa sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa pahayag ni acting presidential spokesperson, Communications Secretary Martin Andanar.

“I'm suremayroon ding pagtaas ng suweldo sa mga guro natin. Mahal niTatay Digongang ating mga guro,” paliwanag ni Andanar nang sumalang sa “Ask Me Anything, Anywhere” segment nito na isina-ere sa kanyang Facebook page nitong Sabado.

Matatandaangbinanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakaraang talumpati nito na mahalaga sa kanya ang mga guro dahil isa ring guro ang namayapang ina.

Bilang hakbang, makikipag-ugnayan si Andanar kay Departmentof Education (DepEd) Secretary Leonor Briones para sa naturang usapin.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Noong Marso ng nakaraang taon, inamin ng Pangulo na naantala ang kanyang planong itaas ang sahod ng mga guro bunsod na rin ng pandemya.

Gayunman, ipinaliwanag nito na "nag-iipon" siya ng pondo upang tuluyang maipatupad ang taas-sahod ng mga guro.

Kamakailan, nanawagan muli ang grupongAlliance of Concerned Teachers (ACT) na dagdagan ang kanilang sahod dahil nahihirapan na ang kanilang pamilya dulot ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Matatandaang nakakuha ang sektor ng edukasyon ng pinakamalaking naaprubahang budget para sa 2022 na aabot sa ₱788.5 bilyon.

PNA