Ganap nang kinumpirma ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang naunang usap-usapan kamakailan kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, Marso 20, tinuldukan na ng aktres ang usapin at kinumpirma ang kanyang pagbubuntis sa non-showbiz partner na si Gregg Homan.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako, [emojis]” mababasa sa Instagram post ni Angge kung saan makikita rin ang larawan at bidyo ng kanyang ultrasound.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! ? Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu ? may pamilya na ‘ko ? kaiyaq pramis ?” pagpapatuloy ni Angge.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Noong mga nakaraang linggo unang lumabas ang usap-usapan kaugnay ng pagbubuntis ng aktres.

Matatandaang siya dapat ang leading lady ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa romantic comedy series na ‘My Papa Pi’ ng ABS-CBN.

Basahin: How true? Angelica, buntis na raw sa non-showbiz jowa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nag-post pa nga ang isa sa mga cast members nitong si Daisy ‘Madam Inutz’ Lopez ng litrato nila ni Angge, pero nagulat na lamang ang madlang pipol nang maispatan na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa set, at siya na nga pumalit sa trono ni Angge sa show.

Bumuhos naman ang pagbati sa pagbubunyag ito ni Angge.

“Awww ??? congratulations!” komento ni Kapuso star Marian Rivera.

Congratulations Angge! ❤️❤️❤️” saad din ni Vhong Navarro.

“CONGRATULATIONS, ATEEEE!!!! ??♥️?” ani Sue Ramirez.

Emosyonal naman sa magandang balita ang kaibigan ni Angge na si Camille Prats.

“Siiisss naiyak ako!!! ?? Napakasaya ng puso ko para sayo at kay Greg. ❤️ So excited for you sis!! Congratulations for such a beautiful blessing! ❤️” saad ng actress-host.

Ilan pang kasamahan ni Angge sa industriya ang nagpaabot ng pagbati sa bagong milestone sa buhay ng aktres.