NUEVA VIZCAYA - Nawasak ang ilang bahay at 119 na indibidwal ang naapektuhan nang tamaan ng isang malakas na buhawi ang dalawang barangay sa Bambang kamakailan.

Sa pahayag ngProvincial Disaster Risk Reduction and Management Emergency Response Team, kaagad na lumikas ang 15 pamilya mula sa Brgy. Sto. Domingo at 10 pamilya naman mula sa Brgy. Macate nang wasakin ng ipu-ipo ang kanilang bahay nitong Marso 18.

Tiniyak naman ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na hindi nila pababayaan ang mga naapektuhang pamilya na nabigyan na ng mga food packs at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Walang naiulat na binawian ng buhay o nasaktan, gayunman, inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng nawasak na ari-arian.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol