Tatlong pinaghihinalaang kasapi ng New People's Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro sa Claveria, Misamis Oriental kamakailan.

Ang tatlo ay kinilala ni Lt. Col. Ricky Canatoy, commanding officer ng 58th Infantry Battalion ng Philippine Army, na sina Agay Taquin, alyas Kerby, vice commander ng Platoon Falcon; Andrew Odiongan, alyas Dave, political instructor ng SR SDG Eagles; at Joan Pajardo, alyas Amirgo, team leader B ng Squad 1, GF Huawei ng Sub-Regional Committee ng Northern Central Mindanao Regional Committee.

Sa report ng militar, nagpapatrulya ang mga tauhan ng nasabing military unit sa Barangay Plaridel, Claveria nitong Biyernes ng umaga nang makasagupa nila ang grupo ng tatlong napatay.

Nauna nang inihayag ng militar na nakaalerto sila dahil sa nalalapit na National elections sa Mayo 9.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kabilang sa nasamsam sa lugar ang isang KG9, isang M16 rifle, isang Carbine rifle, at iba pang personal na kagamitan.