Nilinaw ng Kapamilya singer at online sensation na si Gigi De Lana na wala siyang intensyonng magpaawa effect sa social media nang ipamalita niyang nanakawan siya ng iPhone habang nasa Dubai, para sa matagumpay na concert ng 'The Gigi Vibes' band noong Marso 12 sa Expo 2020.

Noong Marso 16, nag-post ulit si Gigi para ipaliwanag ang kaniyang panig. Mukhang marami raw sa mga netizen ang pinag-isipan pa siya nang masama.

"Okay po ulitin ko post ko. Dami kasi nagko-comment na parang mas alam nila nangyari," panimula ni Gigi.

"Nawala phone ko and di binalik. I tried to locate my iPhone through 'Find my iPhone' and wala,dinala na talaga. And nagpa-help na rin ako dito sa Dubai. Don't worry naka mark as lost phone so di niya din mabuksan 'yun," kuwento ni Gigi.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Marami raw nagsabi sa kaniya na bumili na lang siya nang bago. May mga nagtanong din sa kaniya kung wala raw ba siyang pambili, at kung nanghihingi at nagpaparinig daw ba siya. Hindi rin niya alam kung bakit may naghihintay pa raw sa ipadadala niyang link.

Paliwanag ni Gigi, hindi naman daw sa wala siyang pambili ng bagong cellphone, pero ang perang kinikita niya ngayon ay nakalaan para sa medical bills ng kaniyang inang may sakit, at sa iba pang mga bayarin.

"Yung post kasi na 'yun. Para lang gumaan yung loob ba. Parang ginawa ko na biro. Kasi aminin n'yo mahirap mawalan ng phone."

"Una po sa lahat, bago ako bumili ng brand new phone, mas uunahin ko medical bills ng mom ko and iba pang pambayad ng bills ? Parang kayo rin. Ganun din kayo di ba? Unless talagang wala na kayo mapaggastusan sa pera n'yo."

Screengrab mula sa FB/Gigi De Lana

Anyway, naganap kahapon, Marso 18 ang kanilang concert sa National Theatre of Abu Dhabi, at sa Marso 25 naman sa Crowne Plaza Bahrain.