Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Dimples Romana na nagbubuntis siya ngayon para sa kanilang pangatlong anak ng mister na si Boyet Ahmee.

Unang nagpahaging si Dimples na may ibabahagi sila sa publiko sa pamamagitan ng Facebook Live, nitong Marso 18, 2022, sa pamamagitan ng isang Instagram post kasama si Boyet at ang mga anak na sina Callie at Alonzo. Inimbitahan niya ang mga netizen na panoorin ito upang malaman ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang big revelation nila.

"Just the FOUR of us ❤️"

"BIG ANNOUNCEMENT from our FAhmeely today!"

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

"Blessing reveal ?."

"Join us at 4pm on the @fortima Facebook page to share our joy in our latest family revelation ?? link on my bio page

March 18, 2022 TODAY is a BIG day for us ?."

"Ngayon pa lang NAIIYAK na ako ??."

"Because when I think of God’s unfailingly love and grace, I THINK OF these three. We can’t wait to share with you the NEWS," aniya, kalakip ang mga litrato nilang mag-anak.

Dimples Romana, Boyet, Callie, at Alonzo Ahmee (Larawan mula sa IG/Dimples Romana)

At ibinahagi na nga niya sa Facebook live event ng vitamin brand na Fortima nitong Marso 18, Biyernes ng hapon, na magiging lima na sila sa pamilya.

Ibinahagi rin niya sa Instagram ang litrato ng kaniyang baby bump na may caption na "Dimples Romana, mother of 3 ?

Happy International Women’s month."

"My heart has never been this FULL."

"I am now officially a MOM of 3 unique children born from 3 different decades," ani Dimples sa isa pang Instagram post. Tinawag niyang 'Baby E' ang kaniyang pinagbubuntis.

"God truly knows how to answer even the most silent prayers of our hearts. How amazing is it to experience motherhood, raising a DAUGHTER in college, a son, a 7 year old kid and in a few months a NEW BORN ?."

Dimples Romana (Larawan mula sa IG/Dimples Romana)

"I’m excited to take on the CHALLENGE."

Sa iba pang Instagram posts ni Dimples ay ibinahagi pa niya ang photoshoot nilang mag-anak.

Ngayong Marso 19, makikita naman ang litrato ni Dimples na nakasuot siya ng 1930’s true vintage lace dress mula sa TurnerVintage at nakayapak lamang. Tila humingi rin siya ng mungkahi sa mga netizen kung ano ang magandang pangalan para sa anak niya, na sa ngayon ay tinatawag niyang 'Baby E'.

"My heart sings of praise and gratitude. What an exciting journey I’m about to take yet again with another tiny human being.

I can’t wait to meet you E," bahagi ng kaniyang mahabang IG post.

Dimples Romana (Larawan mula sa IG/Dimples Romana)

Si Dimples ay 37 anyos na at bonggang-bongga pa rin ang showbiz career, lalo na nang gumanap siya bilang 'Daniela Mondragon' sa hot teleseryeng 'Kadenang Ginto' sa ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, mapapanood siya sa 'Viral Scandal' bilang ina ng lead star nitong si Charlie Dizon.