Nagpapagaling na ang sexy actress at showbiz starlet na si Ana Jalandoni matapos magtamo ng ilang sugat at pasa sa mukha sa kamay ng boyfriend at aktor na si Kit Thompson.

Na-rescue si Ana sa isang hotel sa Tagaytay matapos ang umano’y naging pagtatalo ng dalawa, ayon sa ulat ng Tagaytay PN, Biyernes, Marso 18,

Dagdag ng Brigada News FM Batangas, unang humingi ng tulong sa pulisya ang ilang hotel staff upang masagip ang aktres.

Isang resibo naman ng paghingi ng saklolo ni Ana ang nakuha ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

https://twitter.com/Nikobaua/status/1504624740765696000

“KUYA PLEASE HELP ME PLEASE CALL [THE] POLICE!!!! KEITH IS KILLING ME!!! PLEASE PLEASE HELP ME KUYA,” mababasa sa mensahe ni Ana.

Ilang larawan din ang makikita rito kung saan bakas ang mga sugat at pasa ng aktres sa mukha.

Kung bibisitahin ang Instagram account ni Ana, makikitang tila noong Miyerkules pa magkasama ang dalawa sa Tagaytay. Sa pinakahuling post kasi nito, mababasa ang komento ng aktor sa larawan ni Ana.

“See you later,” saad nito.

Screengrab mula Instagram ni Ana Jalandoni

Agad ding pinutakte ng netizens ang komentong ito ni Keith kasunod ng ulat ng umano’y pang-aabuso nitong umaga ng Biyernes.

Larawan mula Instagram ni Ana Jalandoni

Nasa kustodiya na ng pulisya ang aktor para sumailalim sa questioning habang nadala naman sa pagamutan ang aktres.

Unang bumida sa sexy film na "Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar" si Ana noong 2021.