Nagulantang ang buong koponan ng San Miguel nang pataubin sila ng Meralco Bolts, 100-85, na tuluyan nang pumasok sa semifinals habang ang una ay maagang nagbakasyon sa eliminasyon ng PBA Season 46 Governors' Cup sa Smart-Araneta nitong Biyernes.

Nanguna sa nasabing laban si Meralco import na si Tony Bishop, Jr na nakakuha ng doble-double performance, 32 puntos at 16 rebounds habang nakapagsalansan naman ng 22 puntos ang kakamping si Chris Newsome na nagpahirap sa malalaking manlalaro ng San Miguel.

“We had a bout a week to prepare. The whole focus, after what happened in the elimination round, was to slow down Shabazz (Muhammad) and not have him again get to 57 points against us.Hats off to my players for executing," paglalahad ni Meralco coach Norman Black.

Naka-24 na puntos lamang si Muhammad, 17 puntos naman kay Terrence Romeo, at tig-12 naman kina June Mar Fajardo at CJ Perez.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Makakasagupa ng Meralco ang Magnolia sa semifinal round. Tinalo ng Magnolia ang Phoenix Super LPG, 127-88, nitong Biyernes ng gabi.