Ipinagtanggol na naman ni PangulongRodrigo Duterte nitong Huwebes ang kanyang anti-narcotics campaign dahil hindi na umano nito masikmura ang "kakila-kilabot" na gawain ng mga sangkot sa iligal na droga.

"Sisirain mo ang bayan ko. That’s the thing they do, horrible,” paglalahad ni Duterte nang magtalumpati ito sa bagong tayong Leyte Provincial Capitol sa Palo, Leyte.

Inilabas ng Pangulo ang pahayag at muling sinabing hindi siya papayag na lilitisin siya saInternational Criminal Court (ICC) dahil sa mga pagpatay na may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Pagdidiin ni Duterte, makikipagtulungan lamang siya kung isasagawa ang imbestigasyon sa Pilipinas.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

“I am a Filipino. If I am accused of something, it must be within the jurisdiction of the Philippines. If I amtried, it should be before a Filipino judge and theprosecutor must be a Filipino like me,” pagdidiinng punong ehekutibo.

Nitong Nobyembre ng nakaraang taon, sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon sa umano'y "crimes against humanity" na may kaugnayan sa drug war ng Pangulo upang pag-aralan ang "lawak at epekto nito sa deferral request" ng gobyerno ng Pilipinas.

Bago isinagawa pagsuspinde ng pagsisiyasat, ipinangako ni ICC prosecutor Karim Khan na "matutuklasan nila ang katotohanan at mapapanagot din ang mga may kinalaman" sa nasabing kampanya laban sa iligal na droga.

PNA