Agad na inilantad ng sexy actress na si Ana Jalandoni ang sinapit na mga pasa sa mukha kasunod ng insidente ng umano'y pananakit, at pagkulong sa kanya ng boyfriend at aktor na si Kit Thompson sa isang hotel sa Tagaytay.

“When you love someone you will never ever harm them,” mababasa sa caption at tila napagtanto ni Ana sa ibinahaging dalawang magkalayong larawan.

Larawan mula Facebook post ni Ana Jalandoni

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Makikita sa Facebook post ang huling larawan na naipaskil ng aktres sa Instagram noong Miyerkules, Marso 16 at ang mukha nitong nagtamo ng pasa kasunod ng insidente nitong umaga ng Biyernes, Marso 18.

“Minahal mo ba talaga?” dagdag na tanong ng aktres.

Hindi naman nalimutan ni Ana na magpaalala sa kapw kababaihan kasunod ng sarili niyang karanasan ng pang-aabuso.

“This is me saying, you all should be careful out there. I can't reply to all of you right now but thank you for checking up on me,” saad ni Ana.

Nakatakdang namang maglabas ng buong pahayag ukol sa insidente ang aktres.

Basahin: Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid