Dinudumog ngayon sa TikTok ang personalidad na si Valentine Rosales matapos niyang tawaging 'diktador' ang mga Kakampink at sabihing sa totoo lamang ay undecided o wala pa siyang tiyak na desisyon kung sino ba talaga ang iboboto niyang pangulo para sa halalan 2022.

Aniya, "Yung ibang mga Kakampink, napansin ko, ayaw nila sa diktador. Pero, sila mismo, kung umarte, para silang diktador. Sino yung diktador ngayon, 'di ba?"

Nabanggit din niya na sa ngayon daw ay undecided siya pagdating sa pangulo, subalit natitiyak daw niyang ang iboboto niya sa pagkapangalawang pangulo ay si Davao City Mayor Sara Duterte.

May nang-urirat din sa kaniya na isa siyang Kakampink batay sa kaniyang mga Facebook post. Pero aniya, napapaisip-isip na raw siya dahil sa 'asal' daw na ipinakikita ng ilang mga Kakampink, na para bang 'sarado raw ang utak'.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

"Lilipat na talaga ako... di ako sure kung si BBM, si Lacson, o si Isko. Medyo undecided ako."

Matatandaang inilabas ni Valentine Rosales ang pasabog niya tungkol sa karanasan nito sa isang branch ng convenience store sa Ali Mall Cubao, na ibinahagi niya sa Facebook post nitong Linggo, Marso 13.

Kwento kasi ni Valentine, namimili siya sa 7-Eleven nang may pumasok na lalaki sa loob at madaling-madali umanong kumuha ng drinks sa vending machine at umalis ito nang hindi nagbabayad. Nilapitan daw siya ng cashier at itinanong sa kanya kung kasama niya ba iyon ngunit itinanggi niya ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

Tinanong din siya nito kung anong cup ang kinuha nung lalaki aniya, “natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.”

Kuwento pa ni Rosales, siya na lamang ang nagbayad doon sa ‘di umano’y kinuha ng lalaki at dito rin niya naipasok na kailangan bumoto ng leader na may prinsipyo at hindi nagnanakaw.

“35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw. Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier,” ani Rosales.

Gayunman, umani ng batikos si Rosales dahil maraming netizens ang nagsasabi na sarado na ang branch na binanggit ni Rosales sa post.

Napansin din kasi ng mga netizens ang edit history ng post niya na unang nakalagay na branch ay “7/11 Ali Mall Cubao” na naging “7/11 near Ali Mall branch.”

Samantala, dahil sa umiinit na usapan tungkol sa naturang branch, nakipag-ugnayan ang Balita Online sa 7-Eleven. Kinumpirma nila na sarado ang branch sa Ali Mall Cubao na tinutukoy ni Rosales.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

Sa katulad na araw, naging laman ng usap-usapan ang patutsadahan nina Valentine at 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, tungkol sa 'pasabog' na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/xian-gaza-valentine-rosales-nagkasagutan/

Dahil dito ay nagkasagutan sila ni Xian Gaza na nagpa-imbestiga pa umano para lamang patotohanan na wala talagang 7-Eleven branch sa mall na kaniyang binanggit.

Nakisali na rin sa patutsada ang kaibigan ni Xian at direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap, na kilalang tagasuporta ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/darryl-yap-binasag-ang-pasabog-ni-valentine-rosales-hindi-ko-alam-kung-tatawa-ako-o-maaawa/

Ngunit bago matapos ang gabi, binitiwan na ni Xian ang pinakamalaking pasabog niya. Aniya, hindi raw totoong Kakampink si Valentine at binayaran lamang daw para isang black propaganda.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/

Sa kaniyang latest Facebook post, sinagot niya ang tanong kung paano daw niya hina-handle ang bashing.

"People often ask me if I’m sad? how do I remain strong? How do I handle bashing?" aniya.

"I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness. I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything. You can no longer lose if you already lost everything."

"People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn."

"In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger. Goodnight."

Dahil sa pasabog ni Xian, maraming mga netizen ang nag-uungkat ngayon tungkol sa na-dismiss na kaso ni Christine Dacera, matapos ibasura ng Makati Prosecutor’s Office ang kaso noong Abril 2021. Sa galing daw gumawa ng kuwento ni Valentine ay baka kailan daw ulit buksan ang kaso.

Pati ang mga 'kaibigan' ni Valentine ay nagkomento na rin at nagbigay ng patutsada sa kaniya, gaya nina JP Dela Serna at Rom Galido.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/dacera-case-nauungkat-mga-kaibigang-nadawit-nanggigil-tinawag-na-cheap-si-valentine/

Si Valentine Rosales ay isa sa mga inimbestigahan na kaibigan ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera noong Enero 1, 2021.