PAMPANGA - Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon ang halos ₱7 milyong halaga ng illegal drugs na dumating sa airport sa Clark, Pampanga mula Kuala Lumpur, Malaysia matapos i-deliver sa isang babaeng claimant sa Caloocan City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng PDEA ang consignee na si Charlene Nworisa, taga-Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.

Dinakip si Nworisa nang tanggapin nito ang mahigit isang kilo ng shabu na nakasiksik sa mga laruan na nagkakahalaga ng ₱6.9 milyon sa ikinasang controlled delivery operation sa bahay nito sa nasabing lungsod.

"The package emanated fromKuala Lumpur, Malaysia and arrived in Port of Clark last March 12, 2022," ayon sa PDEA.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Importation of Dangerous Drugs) ang suspek na nakakulong na sa PDEA-Central Luzon.