Naging kaliwa't kanan na ang mga tanong ng mga netizens sa anong kinahinatnan ng marriage life ng mag-asawang pawang Kapuso na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ni isa sa dalawa kasi ay walang nagsasalita, hanggang sa kamakailan lang ay nagbahagi ng nalalaman ang ama ni Carla na si Rey 'PJ' Abellana sa panayam ng batikang entertainment writer na si Cristy Fermin sa kanyang show na “Cristy FerMinute” sa One PH YouTube Channel.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/tom-nakipag-one-night-stand-sey-ng-ama-ni-carla-kasarian-ng-aktor-naungkat-din/">https://balita.net.ph/2022/03/11/tom-nakipag-one-night-stand-sey-ng-ama-ni-carla-kasarian-ng-aktor-naungkat-din/

Sa pag-uusap nila ni Cristy, tinukoy ni PJ na isa raw sa mga sanhi ng pagkakaroon ng problema sa relasyon nina Carla at Tom ay ang pagkakaroon daw ng one night stand ng huli. Nagkaroon pa ito ng iba't ibang diskusyunan dahil sa sinabi ni PJ na normal lang naman ito sa lalaki, at mismong siya, naranasan din naman niya ito noon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/pj-sa-umanoy-pagtataksil-ni-tom-sa-anak-medyo-normal-lang-po-yan-sa-buhay-ng-lalaki/">https://balita.net.ph/2022/03/12/pj-sa-umanoy-pagtataksil-ni-tom-sa-anak-medyo-normal-lang-po-yan-sa-buhay-ng-lalaki/

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Subalit sa panayam sa kaniya ng Chika Minute ng "24 Oras", aminado siyang nagkamali siya dahil hindi niya naipaliwanag nang mabuti ang bagay na ito. Sey niya, “At first may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involve si Tom. Si Tom naman ah…was already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon. So wala pong natuloy na one night stand according to Tom side naman. So yun po yung senaryo ng issue ng one night stand."

Ayon pa kay PJ, hindi pa niya alam kung anong side of story ng kanyang anak pero minessage naman daw siya ni Carla after malaman ang naunang nangyaring interview kay PJ.

Naku at mukhang hindi raw nagustuhan ni Carla ang pagsasalita ng ama pero kaagad namang nagpaliwanag si PJ na sinundan ng hindi pagme-message na uli ni Carla sa ama.

Dagdag pa ni PJ, umiyak daw si Tom habang nagpapaliwanag sa kaniya sa pinagdadaanang marital problem nila ni Carla. Gusto raw ni Tom na magkaayos sila ni Carla dahil sobrang mahal niya ang kaniyang asawa.

Ang tanong, kailan naman kaya magsasalita si Carla? Magsasalita naman kaya? Iyan ang pakaabangan. Yun na!