Binalaan ng isang heneral ng militar ang mga kandidato sa Panay Island at Negros laban sa pangongotong ng mga miyembro ng New People's Army (NPA).

Sinabi ni Philippine Army (PA)-3rd Infantry Division (ID) commander, Maj. Gen. Benedicto Arevalo, kahit mahigit isang buwan na lamang ang hinihintay bago ang May 9 National elections, malaki pa rin ang posibilidad na samantalahin ito ng mga rebelde upang makapangikil sa mga kandidato.

“We hope the candidates will not allow it,” ayon kay Arevalo.

Umapela rin si sa mga kandidato si Arevalo na isuplong kaagad sa kanila ang anumang pagtatangkang makapangotong ng kilusan upang maaksyunan.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Sa mga nakaraang halalan aniya, nagpapadala ng liham ang mga rebelde sa mga target na kandidato na humihiling na kumuha sa kanila ng permit-to campaign (PTC) at permit-to-win (PTW) kung saan nakasaad ang kanilang babayaran.

Aniya, ang magiging kapalit nito ay kaligtasan ng mga kandidato sa pangangampanya.

“The election season may be a time that they [the NPA rebels] can gain in terms of funding or logistical support,” sabi nito.

Dapat din aniyang mag-isip nang husto ang mga kandidato at mga rebelde dahil iligal ang pagbibigay ng PTC at PTW alinsunod na rin saRepublic Act No. 11479 (Anti-Terrorism Act of 2020).

Tara Yap