Hindi nakaligtas si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu at naging target nga ng body-shaming kamakailan matapos umanong tumaba tatlong buwan matapos makoronahan. To the rescue naman si Catriona Gray na dati na ring naging biktima ng parehong pambabatikos.

Sa maya’t mayang photoshoot ng Miss Universe titleholder para sa ilang brands at advocacy campaign, isang siguradong imahe ang agad na pumapasok sa isipin ng kalakhan kabilang ang inaasahang perfect figure nito sa kabuuan ng kanyang reign.

Isa itong problematikong paniniwala sapagkat hindi lang sa pisikal na anyo nakasentro ang responsibilidad ng isang reigning queen.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu

Hindi pinalampas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at nagsalita ito sa isang panayam matapos makaladkad ng ilang netizen si Harnaaz Sandhu dahil sa umano’y kapansin-pansing pagbabago ng kanyang katawan.

“I think it’s really unfortunate that the public still finds the need to tear woman down in that way. We’re campaigning so hard that beauty queen or titles or Miss Universe should be more than an image,” nalulungkot na saad ni Catriona sa isang panayam.

Naniniwala ang ikaapat na Pinay Miss Universe tiltleholder na higit pa sa anyo ng katawan ni Harnaaz ang kapasidad nito na maging kinatawan ng organisasyon at ng bansang India kung saan siya nagmula.

“I feel like she should be celebrated because what message do we send to other young girls or young people in the public or even on social media when they read those comments and then perhaps compare their bodies,” dagdag pa ni Catriona.

Sa halip na pintasan ang kababaihan sa kanilang natural na nagbabagong katawan, hinikayat ni Catriona ang lahat na ipagdiwang ang kakayahan ng mga kababaihan lalo pa’t kinikilala ngayong Marso ang Buwan ng mga Kababaihan.

“Let’s celebrate women and its Women’s Month pa. And we should celebrate women for what they give to the table – which is their voice, their platform,”giit ni Catriona.

Basahin: ‘IPINANGANAK PARA SA KORONA’: Sino si Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang naging biktima rin ng body-shaming si Catriona kasunod ng kanyang Binibining Pilipinas stint noong 2018. Ilang netizens ang nagsabing hindi ito karapat-dapat makuha ang Best in Swimsuit award dahil sa kan

Miss Universe 2018 Catriona Gray

Samantala, nauna nang in-address ni Harnaaz ang pambabatikos at sinabing kinikilala niya ang pagbabago ng kanyang katawan at hinikayat ang lahat na kagaya niya, dapat yakapin ang mga pagbabagong ito.

“Well, I think everybody has their own perspectives but I know that in the end of the day it’s me and how much I love myself, maybe I’m going through some changes, maybe I didn’t sleep well last night, maybe my face is looking puffy today or maybe this is how I am,” ani Harnaaz.

“Because we’re all changing at the end of the day and I think we need to be comfortable. We need to love ourselves. We all go through changes and that should be relatable. So, this is me, and I love myself,” dagdag niya.